 |
CDO Sari-Saring Delata Promo, Pakiskis at Manalo ng Sari-Sari Cab
Paano sumali:
- Bumili ng Sari-Sari Promo Pack sa alin mang accredited CDO Grocery Products Distributors nationwide. Ang bawat promo pack ay naglalaman ng tig-isang delata ng CDO Chunkisado 175g, CDO Karne Norte 150g, CDO Meat Loaf 150g at CDO Liver Spread 85g.
- Sa loob ng bawat promo pack ay mayroong scratch card. Ang bawat scratch card ay mayroong security code na hindi dapat kiskisin. Ito ay maaari lamang kiskisin ng CDO Representative.
- Kiskisin ang Scratch Card upang malaman kung ito ang winning card o hindi. Masasabing ito ang winning card kapag may tatlong larawan ng multi-cab. Ang bawat isang winning scratch card ay katumbas ng isang unit ng Sari-Sari Cab bilang premyo, kung saan mamimigay ng total of 15 Sar-Sari Cabs (Multi-Cabs).
- Ang mga nakakuha ng winning Scratch Card ay kailangang tumawag sa alin man sa CDO offices mula 9:00 AM hanggang 5:00 PM, Lunes hanggang Biyernes, kung saan kailangang sabihin nila ang kanilang pangalan, address at telephone number.
- Metro Manila- (02) 294-1111
- Pampanga- (045) 9630597
- Pangasinan- (075) 523-1076
- Cebu- (032) 346-2643
- Bacolod- (034) 4348817
- Iloilo- (033) 338-1383
- Davao- (082) 297-5094
- Cagayan De Oro- (088) 856-9375
- Sa mga iniwang numero ng nananalo, tatawagan ito ng CDO Marketing upang mapag-usapan ang iba pang contact details at mag-seset ng date, oras at lugar ng verification.
- Sa verification process, kailangan ang mga sumusunod:
- Valid ID with picture (driver's license, passport, employee ID, etc.)
- Winning scratch card kung saan ang scratch part ng Security Code ay hindi pa tinatanggal. Ito ay magiging invalid kapag ito ay tinanggal bago ang verification process.
- Kapag ang scratch card ay validated na ng CDO Representative, mag-iiwan ng photocopy ng valid ID with picture ang nanalo, ibibigay ang winning Scratch Card at mag-iiwan ng photocopy nito na may notation na ito ang winning scratch card at Official Winner Certificate bilang pagpapatunay na dumaan, nakapasa sa verification process ang may-ari ng winning scratch card, nakasaad din dito ang mga detalye, tulad ng address at iba pang contact details, kung saan ipapadeliver ang premyo.
- Ang mga premyo ay ipapadala sa pamamagitan ng door to door delivery sa nanalo.
- Bago tanggapin ang premyo, dapat muling ipakita ng valid ID with picture, ang authenticated photocopy ng winning scratch card at Official Winner Certificate na binigay ng CDO representative.
|
 |